Custom Search
Read The Philippine Showbiz News Everyday.

August 19, 2011

Sam Pinto to do a movie with Cesar Montano


Masaya si Sam Pinto sa kasalukuyang takbo ng kanyang career. Kaliwa't kanan ang kanyang projects kaya naman subsob siya sa trabaho.

Malaking bagay raw para sa kanya ang pagkakahirang sa kanya bilang FHM Sexiest Woman of 2011.

"Sobrang busy po," aniya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikulang Tween Academy: Class of 2012.

"As in, I have work every day. Grabe!

"May new show po ako. It's a sitcom. Hindi pa kami nag-i-story conference, e. Pero may taping days na siya."

Sino ang mga makakasama niya sa nasabing sitcom?

"Alam ko si Fabio [Ide]. 'Yong iba sa cast, hindi pa sinasabi sa akin," banggit niya.

Aware ba siya na ngayong siya ang hinirang na bagong sexiest woman, mas naging desirable ang tingin sa kanya ng mga lalake? How does she feel na a lot of guys fantasize about her?

"Medyo aware naman po!" tawa niya.

Paninindigan na ba niya ang pagiging sexiest woman ng bansa lalo na sa roles na kanyang gagampanan?

"Actually, for me naman po, I'll just gonna maintain whatever I'm doing now.

"Kasi nga, like for example, si Angel Locsin won last year, di ba? Did she do anything like sexy?

"Did she do anything daring? Parang wala naman, di ba?

"So siguro, like her, I'll just maintain whatever I'm doing now."

Pero in the future, will she entertain the idea of portraying really sexy or daring roles?

"Maybe not," mabilis niyang sagot.

Bakit naman kaya?

"Because, para iba naman. A, [para] hindi naman ma-stereotype na always na lang sexy. Always naka-two piece [ako].

"Para iba naman. Para may versatility 'yong pagka-artista ko!" natawang muli si Sam.

Patapos ba niyang sinasabi na, no way to sexy roles talaga siya? Kahit maganda talaga halimbawa 'yong project, o 'yong role?

"A, depende siguro rin sa role. And kung maa-adjust naman 'yong level of sexiness, siguro puwede naman."

Pero just in case, up to what extent siya pupuwedeng magpa-sexy onscreen?

"Hanggang two-piece lang po."

What about doing passionate or torrid kissing scenes, o kaya ay love scenes?

"Ay, hindi po siguro papayag ang nanay ko! Ha-ha-ha!"

Marami ang naniniwalang she could be GMA-7's next important Kapuso female star, next to Marian Rivera.

"I hope so. I really hope so. I'll be super excited kapag nangyari 'yon. Grabe!" saad niya.
Read the full article here!

0 comments:

Post a Comment