Binigyan ng kasagutan ng designer sa likod ng agaw-pansing gown na isinuot ni Anne Curtis sa 1st Philippine Fashion Ball na ginanap kamakailan, ang palaisipan kung may suot bang underwear ang magandang aktres.
Sa panayam ni showbiz reporter Aubrey Carampel, sinabi ng sikat na designer na si Rajo Laurel na “Black Widow" ang tawag sa black cut-out see-through dress na isinuot ni Anne.
Ang naturang style ay inspired daw sa spider at suot din ng stylist na si Pam Quinones sa naturang fashion event. Masaya si Rajo dahil marami ang pumuri sa kanyang obra at naging usap-usap pa kahit sa Internet.
See the video link: Click here to see the video
Read The Philippine Showbiz News Everyday.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment