Excited na raw si Elmo Magalona sa showing ng movie nila na Tween Academy: Class of 2012.
Ayon kay Elmo, naniniwala siya sa sinasabi ng fans na susuportahan nila ang movie na ipalalabas na sa August 24.
Para sa batang aktor, hindi lang ang pagkakaroon ng movie ang na-gain niya sa paggawa ng Tween Academy: Class of 2012 ng GMA Films, kundi nadagdagan din ang mga kaibigan niya sa industry.
"I'm just really happy that I got to work with them [Tween's cast] and they are really fun to be with. And I hope that I'll be able to work with them again," sabi niya.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Elmo sa presscon ng Tween Academy noong Huwebes, August 14, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.
THANKS TO SAM. Hindi naman daw nagkaroon ng pagkailang si Elmo to work with the cast kahit hindi siya kasama sa youth-oriented series na Tween Hearts.
In fact, bonding nga raw sila halos at kulitan agad sa set.
Kuwento niya, "Sina Derrick Monasterio, Alden Richards... I got to work with them... parang it wasn't really boring every time na nagsu-shooting kami."
Si Elmo ang may kissing scene sa movie with Sam Pinto. Hindi ba siya kinabahan?
"Well, yun nga, it's the first time and I have to do it sa movie. Kasi, parang turning point din ng story ko.
"Parang it's really hard, pero sana magustuhan ng mga manonood.
"There's something in my head but when it happened na rin, hindi ko na rin inisip.
"Kumbaga, inisip ko na lang na hindi naman talaga si Elmo ang gumagawa noon.
"I was Enzo [the character he was playing]. She [Sam] was my teacher and I really love her."
Supportive naman daw si Sam sa kissing scene scene nila. Kinausap siya ng sexy actress bago ang take.
"Parang sabi niya, huwag lang daw akong mahiya to make it look nice.
"Basta may scene po na kailangang gawin, hindi ko muna sasabihin kung ano yun. Pero, sinabi niya na, yun nga po, gawin ko yun." Read the full article @ Gmanews.tv
Read The Philippine Showbiz News Everyday.
Showing posts with label Sam Pinto. Show all posts
Showing posts with label Sam Pinto. Show all posts
August 19, 2011
Sam Pinto to do a movie with Cesar Montano
Masaya si Sam Pinto sa kasalukuyang takbo ng kanyang career. Kaliwa't kanan ang kanyang projects kaya naman subsob siya sa trabaho.
Malaking bagay raw para sa kanya ang pagkakahirang sa kanya bilang FHM Sexiest Woman of 2011.
"Sobrang busy po," aniya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikulang Tween Academy: Class of 2012.
"As in, I have work every day. Grabe!
"May new show po ako. It's a sitcom. Hindi pa kami nag-i-story conference, e. Pero may taping days na siya."
Sino ang mga makakasama niya sa nasabing sitcom?
"Alam ko si Fabio [Ide]. 'Yong iba sa cast, hindi pa sinasabi sa akin," banggit niya.
Aware ba siya na ngayong siya ang hinirang na bagong sexiest woman, mas naging desirable ang tingin sa kanya ng mga lalake? How does she feel na a lot of guys fantasize about her?
"Medyo aware naman po!" tawa niya.
Paninindigan na ba niya ang pagiging sexiest woman ng bansa lalo na sa roles na kanyang gagampanan?
"Actually, for me naman po, I'll just gonna maintain whatever I'm doing now.
"Kasi nga, like for example, si Angel Locsin won last year, di ba? Did she do anything like sexy?
"Did she do anything daring? Parang wala naman, di ba?
"So siguro, like her, I'll just maintain whatever I'm doing now."
Pero in the future, will she entertain the idea of portraying really sexy or daring roles?
"Maybe not," mabilis niyang sagot.
Bakit naman kaya?
"Because, para iba naman. A, [para] hindi naman ma-stereotype na always na lang sexy. Always naka-two piece [ako].
"Para iba naman. Para may versatility 'yong pagka-artista ko!" natawang muli si Sam.
Patapos ba niyang sinasabi na, no way to sexy roles talaga siya? Kahit maganda talaga halimbawa 'yong project, o 'yong role?
"A, depende siguro rin sa role. And kung maa-adjust naman 'yong level of sexiness, siguro puwede naman."
Pero just in case, up to what extent siya pupuwedeng magpa-sexy onscreen?
"Hanggang two-piece lang po."
What about doing passionate or torrid kissing scenes, o kaya ay love scenes?
"Ay, hindi po siguro papayag ang nanay ko! Ha-ha-ha!"
Marami ang naniniwalang she could be GMA-7's next important Kapuso female star, next to Marian Rivera.
"I hope so. I really hope so. I'll be super excited kapag nangyari 'yon. Grabe!" saad niya.
Read the full article here!
Subscribe to:
Posts (Atom)


