Custom Search
Read The Philippine Showbiz News Everyday.

December 24, 2010

Ogie and Regine Wedding

Kasal na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Naganap ang kasal ng dalawang singers sa Terrazas de Punta Fuego, isang beach resort, sa Nasugbu, Batangas, Miyerkules, Dec. 22, dakong 3 p.m. at natapos bago mag-5 PM.

Maganda at romantic ang venue ng kasalan.

Ayon sa report ni Karen Pagsolingan ng PEP, "The venue was filled with violet, pink, and white flowers. Visitors are dressed in pastel colors. The altar is overlooking the hills."

Nangunguna sa mga bisita si Pangulong Noynoy Aquino, na isa sa groomsmen.

Sabay na naglakad ang matriarch ng Regal Films na si Lily Monteverde at Viva big boss na si Vic del Rosario bilang principal sponsors. Principal sponsor rin si Sharon Cuneta ngunit nagka-problema siya sa kanyang gown. kaya kahit naka-makeup na siya,

Ilan pa sa mga bisita ng Songbird at sa Singer-Songwriter ay ang mga kaibigan nila sa showbiz na sina Kris Aquino, Ai-Ai delas Alas, Michael V., Senator Bong Revilla, Christian Bautista, Noel Cabangon, John Prats, Rachelle Ann Go, Direk Louie Ignacio, at Direk Dante Nico Garcia.



Ilang eksena sa kasal nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid sa Nasugbu, Batangas. – Nelson Canlas
Kasama rin sina Dennis Trillo, Jose Mari Chan, Pia Magalona, German Moreno, Kuh Ledesma at ang anak niyang si Isabella. Naroon din ang mga Gutierrezes na sina Eddie, Annabelle, Ruffa, at Richard.

Ilan sa couples na dumalo ay sina Richard Gomez at ang asawa niyang si Cong. Lucy Torres, na nakasuot ng isang gray na gown. Kasama naman ni Dingdong Dantes ang kasintahang si Marian Rivera, na naka-light blue-green sequined gown.

Kasama naman ni Robert Chien ang asawang si Lea Salonga, na nakasuot ng baby pink na gown. Kasama naman ni Janno Gibbs ang asawang si Bing Loyzaga at ang kanilang dalawang anak na babae. Sabay ring dumating ang magkasintahang sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho Jr.

Dumalo rin ang big bosses ng dalawa sa GMA-7 na sina Atty. Felipe Gozon, Wilma Galvante, Lilybeth Rasonable, Darling de Jesus, Redgie Magno, at maraming pang iba.

0 comments:

Post a Comment