Custom Search
Read The Philippine Showbiz News Everyday.

August 12, 2011

Dennis Trillo on My Neighbor's Wife


Isang sexy heavy drama ang pinakabagong pelikula ng Regal Films, ang My Neighbor's Wife, na pagbibidahan nina Dennis Trillo, Lovi Poe, Jake Cuenca at Carla Abellana.

Sa pelikulang ito, sina Jake at Carla ang mag-asawa na may anak na lalake samatalang sina Dennis at Lovi ang magkapareha. Magkakaibigan silang apat ngunit magbabago ang lahat dahil sa kataksilan na gagawin ng mga karakter ni Lovi at Jake.

Ang original story na ito ay sinulat at idinerehe ni Jun Lana.

Kitang-kita ang kasexyhan ng dalawang leading ladies na sina Carla at Lovi suot ang kanilang two-piece swimsuits sa tabi ng swimming pool.

Hindi rin naman nagpatalo ang dalawang leading men na sina Jake at Dennis na very proud na pinakikita ang kanilang kakisigan habang topless sila at nakasuot ng swimming shorts.

Siguradong matutuwa ang lahat ng mga manonood ng pelikulang ito, hindi lamang dahil sa ganda ng istorya kundi dahil sa mga daring scenes ng apat na bida.

Kinunan din nang hapon na iyon ang isa sa mga kissing scenes nina Dennis at Lovi. Mapapanood rin sa teaser ng pelikula na may mga eksena sina Dennis at Lovi na kinunan sa loob ng banyo habang naliligo. Read the full story at gmanews.tv

0 comments:

Post a Comment