Custom Search
Read The Philippine Showbiz News Everyday.

November 04, 2011

Sarah Lahbati - Star In Kokak

Nakamit ng Starstruck alumni na si Sarah Lahbati ang pinakahihintay na big break sa kanyang career matapos siyang piliin na maging lead star sa pinakabagong afternoon soap na Ruben Marcelino’s Kokak ng GMA 7.

Sa press conference na dinaluhan ng cast members ng Kokak na ginawa sa GMA 7 building nitong Huwebes ng gabi, labis ang pasasalamat ni Sarah sa tiwalang ibinigay sa kanya ng management ng network para maging bida sa TV version ng Kokak.

Ang movie version ng Kokak na ipinalabas sa mga sinehan noong 1989 ay pinagbidahan ng sexy actress na si Rachel Lobangco.

Pag-amin ni Sarah, nagulat siya nang ipaalam sa kanya na siya ang napiling maging bida sa Kokak, ang babaeng nagiging palaka kapag napatak sa tubig.

Sinabi pa ng young star na pinayuhan siya na huwag panoorin ang movie version ng Kokak para maging iba ang pag-atake niya sa karakter bilang si “Kara."

At dahil may pagka-sexy ang tema ng Kokak, sinabi ni Sarah na asahan na magpapakita siya ng kaunting “skin" sa TV version.

Inihayag naman ni Ricky Davao, direktor ng Kokak, na may bagong “star" sa katauhan ni Sarah dahil sa husay nito sa pagganap sa karakter ni Kara.

“I’m telling you, today we have a new star," ayon kay Direk Ricky na nagsabing sa unang araw pa lang ng kanilang taping ay nakitaan na niya ng husay sa pag-arte ang aktres.

Inamin din ni Direk Ricky na medyo atubili siya noon na tanggapin ang proyekto na ikalawang directorial job niya sa GMA 7 pagkatapos ng isa ring afternoon soap na Sisid.

Pero laking pasasalamat daw niya na tinanggap niya ang proyekto dahil nakita niyang maganda ang kuwento nito at maganda ang casting ng mga kasamang artista ni Sarah.

Bukod kay Sarah, kasama sa cast ng Kokak sina TJ Trinidad, JC Tuiseco, Jessa Zaragoza, Gary Estrada, Francheska Farr Ervick Vijandre at Vaness del Moral.

Kasama rin ang mga batikang aktres na sina Caridad Sanchez at Deborah Sun, gayundin ang premyadong aktor na si Pen Medina.

Alamin ang mga misteryo sa Kokak sa pagsubaybay sa Dramarama sa Hapon block ng GMA 7 simula sa November 14. -- FRJimenez, GMA News

0 comments:

Post a Comment