"A next star is in this room."
Ito ang sinabi ng actor-director na si Ricky Davao nang kamustahin ng media ang performance ni Sarah Lahbati sa upcoming drama series ng GMA-7 na Kokak.
Si Sarah kasi ang lead star sa bagong afternoon show na ito ng GMA-7.
Naganap nitong Huwebes ng gabi, Nobyembre 3, ang presscon ng Kokak sa 17th floor, Executive Lounge, ng GMA Network Center sa Timog Avenue, Quezon City.
Nang makapanayam nang one-on-one ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pag entertainment press si Sarah, naging emosyunal ito nang tanungin ang reaksyon niya sa sinabi ng kanilang direktor.
"Hindi ko po talaga napigilan 'yong sarili ko kanina, tina-try ko na hindi umiyak," naluluhang sagot ni Sarah.
"First time ko makaranas ng tears of joy, kasi sobrang saya na masabihan ng gano'n.
"Sobrang blessed ako, I'm just so really happy."
CONSERVATIVE DAD. Masayang-masaya rin ang mga magulang ni Sarah dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon na ng lead role ang kanilang anak sa isang teleserye.
Pero inamin ng StarStruck V Ultimate Female Survivor na tinanggap niya agad ang proyektong ito bago pa man ipagpaalam sa kanyang mga magulang, partikular na sa kanyang ama na isang Moroccan.
Kuwento ni Sarah, "Actually ano po, e, nang makausap ko siya [her dad], naka-oo na po ako sa GMA, e, nakapayag na po ako.
"So, ang ginawa ko na lang, nag-explain ako, ikinuwento ko kung ano ba talaga 'yong story, na sexy 'to dati.
"Like, Machete, sexy 'yon before, pero ginawa siyang beautiful story and alam n'yo 'yon, hindi siya gano'n na gano'n.
"In-explain ko sa kanya na it's all about the story, the characters, na hindi ako papabayaan."
Dagdag pa niya, mas nahirapan siyang kumbinsihin ang kanyang conservative Moroccan dad upang pumayag na gawin niya ang karakter ni Kara.
Medyo sexy kasi ang mga eksena sa 1989 original version ng Kokak, na pinagbidahan ni Rachel Lobangco.
Ani Sarah, "Sa una, medyo alangan sila dahil siyempre protective sila, kahit papaano ayaw nilang may mangyaring masama sa anak nila.
"Pero, I explained sa kanila na hindi siya malaswa or panget na pagka-sexy. Maganda siyang pagka-sexy, kumbaga, nasa story.
"Alam ko naman na hindi ako papabayaan ng GMA, and hindi ko rin hahayaan na gawin 'yong mga bagay na alam ko hindi ko planadong gawin sa buhay ko.
"Kumbaga, I will stay true to myself and alam ko 'yong mga goals ko, kung ano 'yong ikakabuti ko.
"Wala akong dapat ika-worry." -- Jocelyn Jimenez, PEP
Read The Philippine Showbiz News Everyday.
November 04, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment